Posts

NECHOLLE PACON DULDULAO BSCRIM 2D

 NECHOLLE PACON DULDULAO   BSCRIM 2D Ang Pagkabakla Ay Pagkabayubay Rin sa Krus ng Kalbaryo Ang pagiging bakla ay habambuhay Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. Papasanin mo ang krus sa iyong balikat Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan. Di laging sementado o aspaltado ang daan, Madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o Mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap O bulung- bulungan at matutunog na halakhak. Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin Sapagkat sila'y iba't ibang mukha: bata, matanda Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,  kilala o di kilala. Sinong pipigil sa kanila? hindi ikaw Anong lakas meron ka upang tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad At ang iyong paa'y ipinako na ng lipunan Sa likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwalang Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan Na nararapat na pagdusahan sa kr...

BABAE KA BY ANI MONTANO

Image
NECHOLLE PACON DULDULAO  BSCRIM-2D   BABAE KA (Babae Para sa Kaunlaran) NI ANI MONTANO PAGATATAYA 1. Paano inilarawan ang babae sa awit? Inilalarawan ko ang babae sa awit bilang isang matapang at magiting na tao dahil pinapakita niya kalakasan ng loob at hindi lamang kagandahan ang naipapakita niya sa mundo. Pinatunayan dito na kahit babae ka ay may karapatan ka dito sa mundo, karapatang ipaglaban ang tama bilang isang babae. kailangan nating lumaban na mga babae dahil tayo ang kawawa sa huli dahil alam natin na ang mga lalaki ay kaya tayong saktan at abusuhin. At ang huling pinakamagandang mailalarawan ko sa ait na ito ay kahit mahina tayo sa ating lakas, malaki naman ang biyayang handog ay kaisipan. Lahat tayong babae sa mundo'y may ganap na tungkulin sa sarili natin kung tayo'y tinapaktapakan at inabuso, kumaban tayo dahil pareho lamang tayong tao dito sa mundo at lahat tayo ay may karapatang itama ang mali ng iba upang makamit ang kalayaan na hinahangad. 2. Sang-ayon ka ba...

BLOG NO.3

necholle pacon duldulao bscim 2d "SANAYAN LANG ANG PAGPATAY" FR. ALBERT ALEJO, sr pagtataya at gabay sa pagsususri. 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? -Ang personang nagsasalita sa tula ay ang may akda nito. Ang kanyang mga pinapahiwatig o sinasalaysay sa tula ay kung paano ba pumaslang at para itong gabay at nagtuturo kung paano pumaslang ng panandalian lamang. Sa tulang ito dumadaloy sa pagsasalaysay tungkol sa pamamaraan kung paano pumatay ng isang butiki na maihahalintulad sa pagpatay sa tao na walang kaya. 2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? -Ang hayop na pinapaslang sa tula na ito ay isang butiki. Ito ay maihahalintulad ko sa buhay ng mga tao na walang kaya dahil ang mga taong katulad nilang mga maangmang, inaalipin na lamang, nakatira sa gilid gilid, mga taong sunud-snuran na lamang at lalong lalo na ang mga walang kapangyarihan ay napakadaling paslangin katulad ng butiki. Ang buhay ng...

"ISKWATER"

Image
  1.Ano ang sentral ng paksa ng sanaysay? Isa sa mga dahilan kung bakit sila nakatira sa ganitong klaseng lugar ay na tulad ng iskwater ay dahil sa kahirapan. Ang mga taong walang kapera-pera ay napipilitang tumira rito na kahit nagsisiksikan sila, marumi at maingay dahil dikit-dikit. Sa tingin ko naman ay ang pinaka sentral ng paksa ng sanaysay ay patungkol sa mayaman at mahirap na tao dahil sa sumulat ng sanaysay na ito ay inilalarawan niya ang buhay ng mayaman at buhay ng mahirap. Nakakalungkot isipin na bakit kailangan ang mayayaman na tao ay kailangang sumiksik sa lugar ng mga mahihirap na kung saan mas lalong malulungkot at magkakaroon ng kainggitan sa puso ng mahihirap at mas lalo lang nila pinasikip ang lugar ng mga iskwater dahil ang mga tao dito ay nakakapaglaro pa sila at nagsisisyahan kahit na sila’y mahirap lamang ngunit noong dumating na ang mga mayayaman biglang nawala ang lahat. Wala naman magagawa ang mga mahihirap dahil mas mataas at mas mayroong kapangyarihan ang...

"ISANG DIPANG LANGIT"

NECHOLLE PACON DULDULAO          BSCRIM 2D ISANG DIPANG LANGIT       NI ALMADO V. HERNANDEZ            Ako’y ipiniit ng linsil  na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay . Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang ...