BABAE KA BY ANI MONTANO
NECHOLLE PACON DULDULAO
BSCRIM-2D
BABAE KA
(Babae Para sa Kaunlaran)
NI ANI MONTANO
PAGATATAYA
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
- Inilalarawan ko ang babae sa awit bilang isang matapang at magiting na tao dahil pinapakita niya kalakasan ng loob at hindi lamang kagandahan ang naipapakita niya sa mundo. Pinatunayan dito na kahit babae ka ay may karapatan ka dito sa mundo, karapatang ipaglaban ang tama bilang isang babae. kailangan nating lumaban na mga babae dahil tayo ang kawawa sa huli dahil alam natin na ang mga lalaki ay kaya tayong saktan at abusuhin. At ang huling pinakamagandang mailalarawan ko sa ait na ito ay kahit mahina tayo sa ating lakas, malaki naman ang biyayang handog ay kaisipan. Lahat tayong babae sa mundo'y may ganap na tungkulin sa sarili natin kung tayo'y tinapaktapakan at inabuso, kumaban tayo dahil pareho lamang tayong tao dito sa mundo at lahat tayo ay may karapatang itama ang mali ng iba upang makamit ang kalayaan na hinahangad.
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.
- Depende sa sitwasyon dahil nakasalamuha na ako ng ganitong pangyayari sa aking kakilala. Ang ganda ng isang tao ay may pakinabang sa mundo, katulad na lamang ng mga sumasali sa mga pageant at dumidiskarte sa buhay katulad ng pagiging model sa isang magasin. Lahat naman ng babae ay magaganda dahil walang sinabi si Hesus na panget ang iba/tayo. Hindi ako sang-ayon dahil lahat ng tao ay may kalaaman sa buhay na kahit maganda ka man at pangit ay mayroong kaalaaam, hindi lang talaga mawala sa ating henerasyon ngayon na ang mga magaganda ay naka tambay at umaasa nalang sa kanilang pamilya lagi at masasabi kong sila ang mga walang alam. Ihahalintulad ko nalang ang mayamang babae na nakasalamuha ko sa walang alam sa buhay niya kung hindi mag cellphone at tambay nalang sa kanilang bahay at walang isang alam na trabaho kung hindi kumain lamang. Mas nakakabilib ang mga taong hindi kagandahan ngunit marunong dumiskarte sa buhay at yun ang matatawag kong may pakinabang sa buhay.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.
- Katulad na lamang ng mag-asawang walang katapusan ang pag-aaway at nadala na sa sakitan at inaabuso ng lalaki ang kanyang asawang babae at hindi kayang hiwalayan ang asawa niyang lalaki dahil pinagtangkaang itong patayin ang kanyang asawang babae. Ang aksyon na dapat ipaglaban ng babae sa sitwasyon na ito ay dapat niyang ipaabot sa kanyang pamilya at sa mga pulis na handang umaksyon sa kaniyang sitwasyon nang sa ganon makamit niya ang kahinhawaan at kalayaan sa kanyang buhay na hindi na kailangang dumanas ng hirap kasama ang kanyang asawang lalaking nangaabuso sa kanyang asawa. Lahat tayo ay may silbi dito sa mundo na kahit babae ka man ay mayroon kang karapatang mamuhay ng malaya dahil sa paningin ng Diyos tayo ay pantay pantay niyang ginawa. ang nakakataas ang ibababa niya at ang nakakababa ay itinataas niya.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
- Ang payo ng may akda sa awit na babae ay ibangon niya ang kanyang pagkatao bilang isang babae dahil nagpapahiwatig doon na lumaban ka na kahit babae ka ay may karapatan ka dito sa mundo. Tama naman ang akda na ito dahil alam naman nating lahat na tayo ay may karapatan at huwag tayong papayag na apak-apakan na lamang dahil tayo ay isang babae at kahit na babae tayo ay napatunayan na kaya nating lumaban dahil tayo ay mas binyayaan sa kaisipan kaysa sa lakas. Mayroon naman tayong laakas ngunit nakadepende na lamang sa babae kung silay palaban o mautak.
5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?
- Hindi, sa ngayon na henerasyon may mga magagandang puso na ang mga kalalakihan, marunong na silang rumespeto at bigyan ng halaga ang kababaihan ngunit hindi naiiwasang may mga lalaki talagang kulang sa pag-iisip at nambabastos at nang-aabuso sa kababaihan. Sa kasalukuyan mapag-alaga na ang mga lalaki dahil alam nilang kahit ba babae ang kinakaharap nila ay may karapatan sila sa mundo at magandang naiisip nila ang ganon na bagay kaysa sa pahambog at pag-gwapo lang ang alam sa buhay. Ang babae ay mahalaga sa pahalagahan dahil kinakailngan natin ng katuwang sa buhay at dadating na dadating ang panahon maiisip at maiisip mong magpasalamat dahil sa biyayang handog sayo ng panginoon na kaya mong mahpahalaga ng isang napakamahalagang bahay sa iyong buhay.
CONCEPT MAP
Comments
Post a Comment