"ISKWATER"

 1.Ano ang sentral ng paksa ng sanaysay?

Isa sa mga dahilan kung bakit sila nakatira sa ganitong klaseng lugar ay na tulad ng iskwater ay dahil sa kahirapan. Ang mga taong walang kapera-pera ay napipilitang tumira rito na kahit nagsisiksikan sila, marumi at maingay dahil dikit-dikit. Sa tingin ko naman ay ang pinaka sentral ng paksa ng sanaysay ay patungkol sa mayaman at mahirap na tao dahil sa sumulat ng sanaysay na ito ay inilalarawan niya ang buhay ng mayaman at buhay ng mahirap. Nakakalungkot isipin na bakit kailangan ang mayayaman na tao ay kailangang sumiksik sa lugar ng mga mahihirap na kung saan mas lalong malulungkot at magkakaroon ng kainggitan sa puso ng mahihirap at mas lalo lang nila pinasikip ang lugar ng mga iskwater dahil ang mga tao dito ay nakakapaglaro pa sila at nagsisisyahan kahit na sila’y mahirap lamang ngunit noong dumating na ang mga mayayaman biglang nawala ang lahat. Wala naman magagawa ang mga mahihirap dahil mas mataas at mas mayroong kapangyarihan ang mayayaman dahil sa kanilang pera. Dito nakikita na hindi pantay pantay ang sitwasyon na meron ang isang pamilya rito at ang tanging gobyerno na nga lang ang tanging makakatulong sa kanila ngunit sila rin ang isa sa dahilan bakit may mga tao ngayon na mahihirap at bakit kailangan pa nilang paalisin ang mga nakatira rito na ito nalang ang tanging matitirahan nila dahil wala na silang mapuntapuntahan at dahil wala rin silang perang pang gasto sa kanilang paglalakbay. Isa sa mga dahilan kung bakit mayroong ganitong klaseng sanaysay na nababasa natin dahil ipinapahiwatig na ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga pilipino at kung ating susuriin ay nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang tayo ay magtagumpay dahil kung atin lamang gugustuhin ay maraming paraan upang tayo ay makaahon sa kahirapan ngunit kailangan nalang natin tanggapin na parte na ng buhay ng tao ang kahirapan at nakadepende nalang sa tao kung ito ay masipag o tamad mabuhay. Maging masaya tayong lahat dahil binuhay pa tayo ng Panginoong Diyos upang makalangghap ng mga nilikha niya dito sa ating mundo at katulad niyang naghirap noon ay mayroon din tayo ngayon.


2.Mayroon bang paksang di tuwirang tinalakay sa tekso? Magbigay ng halimbawa.

Oo, ito ay ang “Nangako ang gobyerno na kapag nademolis kami ay may nakahanda kaming malilipatang lupa sa parte ng Payatas”


3.Ano ang layuning may-akda sa pagtatalakay ng paksa?

Ang pinaka layunin na may akda sa pagtatalakay sa paksa na to ay upang maibahagi at maintindihang mabuti ng mga tao na kailangan nilang tumira sa lugar na katulad ng iskwater dahil wala na silang matitirahang lugar at dahil na rin sa kawalan ng pera na yun lamang ang paraan upang makaahon sila sa kahirapan at makaalis sa kinatatayuan nilang sitwasyon. Mas tinanggap nalang nilang maging mahirap dahil wala silang ibang pangkakahawan at wala silang mapapasukan na trabaho dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa iba pang bagay na siya na ding dahilan kung bakit hindi sila nagkakaroon ng pagkakakitaan upang pangkain nila sa araw-araw. Totoo nga ang sabi ng iba na ang mataas ay laging nagmamataas at ang nagpapakababa ay nagpapakababa at walang sinumang makakapag solusyon sa problemang ito dahil ito ang isang pinaka malaking problema ng bansa.


4.Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinang-ayunan? Bakit?

Ang ideya na sinang-ayunan ko sa sanaysay ay “Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo”dahil pinapakita dito na may mga mabubuting puso ang mga pinoy na kahit na ang iba’y may mga pusong bato. Laban sa pamamagitan ng pakikipag-usap kaysa pakikipag-away. Nasaisip din siguro ng mga pinoy na kung ano ang makukuha nila sa pakikipag-away at pakikipagpatayan, alam nilang makokonsensya sila sa huli kung sila’y makapatay ng kapwa nila tao at magkakaroon pa sila ng kasalanan sa Poong Maykapal. Ang ideya naman na hindi ko sinang-ayunan ay “nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay”dahil nakakalungkot isipin na mahirap na nga ang mga tao na nakatira sa iskwater papaalisin at gigibain pa ang mga tirahan rito. Alam nating lahat na may natitirang awa tayo sa ating mga puso kung kaya’t hayaan natin silang manirahan sa lugar na kung saan katulad ng iskwater dahil yun nalang ang meron sila at yun nalang ang dahilan bat sila namumuhay na may halong kaonting saya na may malaking kalungkutan dahil sa hirap ng buhay nila na meron sila roon. Kung ako man ay maging isang lider, sisikapin ko na mapapatayuan sila ng magandang tirahan upang sila’y makaiwas sa sakit at sa maruruming bagay at bibigyan ko sila ng pangkain nila sa araw-araw kagaya nalang ng grocery at tubig nila at ipapanalangin ko na mayroong isang lider na makakaisip ng ganitong paraan upang malinisan ang lugar ng mga iskwater.


5.Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?

Sa panahon ngayon marami kaming mag-aaral ang nakakaranas ng paghihirap ngayon, katulad ko maiihalintulad ko ang buhay ko sa batang naghahangad ng marangyang pamilya dahil narasanan ko ng mainggit sa mga mayayaman at hindi naman natin maiwasan dahil parti ito ng ating buhay. Nakaugnay rin ito sa aking buhay dahil katulad rin nila kaming mahirap at kinakapos sa pera at ang higit pa ron ako'y nagsusumikap na kahit maubusan ma kami minsan ng pera ay naghahanap parin ng paraan upang may pangkain at pang tustus sa araw araw. Hindi madali maging mahirap lalo na sa panahon ngayon dahil lahat na ay binabayaran. Minsan ay hindi na kami nagkakaintindihan ng aming pamilya dahil sa sama ng loob ko na hindi nila minsan maibigay ang gusto ko, kaya't malaki ang inggit ko sa mga mayayaman tao dahil isang hiling lang nila'y nariyan na ang kanilang hinihiling samantalang ako kaming mahihirap ay kailangang dumiskarte sa buhay upang may pangtustus lamang. Napagisipan ko na dapat tayo ay makontento sa kung anong meron tayo, baka balang araw ay papabor sa atin ang panahon at ating makakamtan ang ating minimithi, magdasal ng magdasal tayo palagi para sa ating buhay na binigay ng Poong Maykapal at wag natin aksayahin ang biyaya mayroon tayo ngayon.


6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konseptong iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.

Ang kahalagahan sa sanaysay na tinalakay ay ang pagmamahal sa kapwa mo Pilipino dahil sila ay dapat papaalisin na sa kanilang lugar ngunit ang puso ng pinoy ay mayroong awa at dinaan sa usapan kaysa bakbakan at isa pa ay ang pagpapaintindi na dapat tayo ay makontento sa kung anong meron tayo sa buhay atin ngayon dahil wala tayong ibang pagpipiliian kung hindi maging masaya ka kahit na ika'y mahirap.


7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?

Maiuugnay ko to sa salitang KAHIRAPAN dahil totoo naman na nangyayari Ito sa ating lipunan at mayroong iskwater area ang Pilipinas na para sa mga mahihirap. Dito tumitira ang mga pulubi na walang kapera pera at hanggang ngayon ay sila parin ay namumulubi. Mas lalong namumulubi at naghihirap sila ngayon dahil sa pandemya na dumating sa Pilipinas na siyang dahilan bakit nawalan ng mga  trabaho ang mga tao at lalong nahihirapan ang Pilipinas sa pag unlad dahil  napupunta ang mga Pera sa mga paayuda ngunit kung sa tutuusin ay mas maganda ng may mabigyan silang mahihirap kaysa sa mga mayayaman dahil minsan ay maraming mandaraya at hindi natin namamalayan. Kahirapan ay parti na ng buhay natin, kayat ako'y nagsisikap sa aking pag-aaral dahil gusto kong makapagtapos at hindi maranasan ang kahirapan na dinaranas ng iba ngayon. 



"CONCEPT MAP''









Comments

Popular posts from this blog

BABAE KA BY ANI MONTANO

BLOG NO.3