NECHOLLE PACON DULDULAO BSCRIM 2D

 NECHOLLE PACON DULDULAO 

 BSCRIM 2D

Ang Pagkabakla Ay Pagkabayubay Rin sa Krus ng Kalbaryo

Ang pagiging bakla ay habambuhay
Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo.
Papasanin mo ang krus sa iyong balikat
Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan.
Di laging sementado o aspaltado ang daan,
Madalas ay mabato, maputik o masukal.
Mapalad kung walang magpupukol ng bato o
Mangangahas na bumulalas ng pangungutya.
Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap
O bulung- bulungan at matutunog na halakhak.
Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin
Sapagkat sila'y iba't ibang mukha: bata, matanda
Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, 
kilala o di kilala.
Sinong pipigil sa kanila? hindi ikaw
Anong lakas meron ka upang tumutol?
Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad
At ang iyong paa'y ipinako na ng lipunan
Sa likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwalang
Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan
Na nararapat na pagdusahan sa krus ng kalbaryo
Kahit na ika'y magpumilit na magpakarangal?!

1. Ipaliwanag ang tula. Bakit gayon ang sinabi ng May akda sa pamagat?  
-"Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" ito ang ipinamagat ng may akda sa kanyang tula na isinagawa sapagkat ipinapahiwatig niya rito na ang pagiging bakla ay para hindi madali. Dahil sa mga mapanghusgang tao sa ating lipunan kung saan sila ay nilalait at sapagkat inahalintulad ng may-akda ang sakit at pagdurusa na kanilang nararamdam sa patuloy na pagdidiskrimina sa kanila. Ang panghuhusga ng mga tao ay nariyan lamang sa paligid ngunit ang nariyan ang Diyos na siyang dapat natin pagkatiwalaan sa mga pagsubok lalo na't kung tayo ay ibinababa..

2. Sino ang sinasabi sa tulang ibat ibang muka, ano ginagawa nila?
-Ang tinutukoy na iba't ibang mukha sa tula ay ang mga tao sa isang pamayanan na mga mapanghusga. Kung saan mapabata, matanda, lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o di-kakilala ay huhusgahan at huhusgahan ka dahil sa iyong napiling kasarian ang meron ka at hindi natin silang kayang pigilan dahil sarili na nila ang dapat magdisiplina kung kilala nila ang kanilang pagkatao at kung may pagmamahal sila sa kanilang kapwa na kahit ano mang kasarian ang meron sila dapat natin silang respetuhin sa kung ano man sila dahil nararapat lamang na tayo'y magmahalan dahil pinakaunang misyon natin yan dito sa mundo.

3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok ba paniniwala. 
-Ang likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala ay sumasalamin sa kulturang meron tayo sa Pilipinas kung saan malaking bagay ang pagiging bakla sapagkat tayo ay nakatira sa kristyanong bansa na tanggap ng simbahan ang ibang kasarian na meron ang iba sa atin. Sa panginoon ay ginawa ang tao na babae at lalaki lamang, ngunit hindi natin mapipigilan ang isang tao kung kung siya ay mag iiba ng kasarian dahil buhay nila iyon at hindi natin sila mapipigilan dahil kilala nila mismo sarili nila at maayos ng wala silang tintapakan na tao dito sa mundo.

Comments

Popular posts from this blog

"ISKWATER"

BABAE KA BY ANI MONTANO

BLOG NO.3