BLOG NO.3

necholle pacon duldulao bscim 2d

"SANAYAN LANG ANG PAGPATAY"

FR. ALBERT ALEJO, sr

pagtataya at gabay sa pagsususri.

1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?

-Ang personang nagsasalita sa tula ay ang may akda nito. Ang kanyang mga pinapahiwatig o sinasalaysay sa tula ay kung paano ba pumaslang at para itong gabay at nagtuturo kung paano pumaslang ng panandalian lamang. Sa tulang ito dumadaloy sa pagsasalaysay tungkol sa pamamaraan kung paano pumatay ng isang butiki na maihahalintulad sa pagpatay sa tao na walang kaya. 2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
-Ang hayop na pinapaslang sa tula na ito ay isang butiki. Ito ay maihahalintulad ko sa buhay ng mga tao na walang kaya dahil ang mga taong katulad nilang mga maangmang, inaalipin na lamang, nakatira sa gilid gilid, mga taong sunud-snuran na lamang at lalong lalo na ang mga walang kapangyarihan ay napakadaling paslangin katulad ng butiki. Ang buhay ng isang hayop ay parang isang buhay narin ng tao dahil katulad din nila tayong namumuhay sa mundong ito, nilikha tayo ng Panginoon upang maging malaya at mamuhay sa nilikha niyang mundo ngunit hindi natin inaasahang na may mga masasamang kalooban ang hangad ng iba at maging mga inosente sa mundo'y nadadamay at ito'y katulad ng butiki na alam nating tahimik na namumuhay sa loob ng mga tahanan ngunit nariyan ang mga masasamang tao kahit butiki ay hindi palalagpasin.

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
-Para sa akin ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula ay sa kabila ng pagpatay o paspalang ng isang tao, alam nating may papalit parin sa kanyang kaugalian dahil baka ito'y napapanood niya kaya't natututunan din niyang gawin ito. Katulad na lamang ng isang lider ng isang bansa, paano kung pangit ang pamamalakad niya sa isang bansa, magiging pangit din ang magiging lider na kapalit nito. Ang pagpatay ng mga tao sa lipunan ay trinatadisyon at ito'y nakakasira na sating kultura at demokrasya. Lahat tayo ay wala ng pake alam kung may natatapakang tao at nagbubulagbulagan na lamang kung mayroong napatay na tao dahil sila'y sanay na. Pumapatay ng walang konsenya ang ibig sabihin ng tulang ito. Kaya't lahat tayo dapat ay may konsenya, kailangan natin ng konsenya upang matauhan ang mga taong mayroong pangit na hangarin sa mundo. Bigyan natin ng kalayaan ang lahat ng mga namumuhay dito sa mundo dahil ito'y nilikha ng Panginoon nating may kadahilanan upang mabuhay dito sa mundo. 4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
-Iniaalay ng may akda ang tula sa mga taong kataastaasan ng lipunan na pumapatay na lamang ng walang konsenya sa kadahilanang mabigyan ng pansin ang problemang ito upang malutas at mapigilan ang pagpatay sa mga walang salang tao. Ang pagpatay ay dapat maitigil na gawain dito sa mundo dahil ginawa ito ng ating Panginoon at kailangan natin tong pahalagahan dahil napakasarap mabuhay lalo na't kung ikaw ay nasa tamang mga gawain at ikaw malayang nagpapakasaya.

MUNGKAHING GAWAIN

1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administration. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hingil sa nasaliksik.

"Lalaki arestado sa paggahasa, pagpatay sa dalagita sa Davao del Sur"

Arestado ang isang lalaki sa Digos City, Davao Del Sur na suspek umano sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita.

Sabado, Enero 13, nang hulihin ng pulisya si Alfonso Ignacio matapos ituro ng kaniyang mga kaibigan na responsable sa pagkamatay ng 14 anyos na biktima.

Natagpuan ang bangkay ng dalagita noong Sabado ng umaga matapos balikan ng kaniyang mga kaanak at kaibigan ang isang talahiban sa Barangay Tiguman, na dinadaanan ng biktima na shortcut pauwi mula eskuwelahan.

Nakahandusay ang bangkay ng biktima sa damuhan at wala na itong suot na pang-ibaba.

Halos dalawang araw nawala ang dalagita matapos itong hindi umuwi sa kanilang tirahan noong Huwebes, Enero 11. Ipina-blotter pa ito sa Digos police.

Ayon sa mga kaibigan ng suspek, ginahasa ni Ignacio ang biktima bago hampasin ng bato sa ulo at mukha.

May isa pang hawak na testigo ang pulisya na si Ignacio rin ang itinuturong responsable sa krimen.

Nahaharap ang suspek sa kasong rape with homicide.

repleksyon sa kaso

Ang aking reaksyon sa kaso na ito ay lahat naman siguro ay makakatanggap ng kalungkutang balita dahil sa hindi inaasahang nangyari sa batang babae na walang kalaban laban sa tumangkang pumatay at panggagahasa. Kung kalungkutan ang ating nadarama, mas masahol naman ang pakiramdam ng pamilya ng bata dahil hindi naman nila alam na mangyayari ito sa kanilang anak. Mahirap isipin na bakit may mga ganitong klaseng tao na parang atat na atat pumatay para lang makuha ang kanilang kagustuhan at mas lalong mahirap ang magpatawad kung hindi katanggap tanggap ang nangyari. Sa kasong ito na rape with homicide ay napakarumaldumal na magyayari sa buhay ng isang tao. Nasa isip natin na pwede namang pigilan ang masasamang gawain kung may konsenysa lamang ang ating pag-iisip ngunit kapag ito'y wala para kang kulang sa pag-iisip dahil hindi mo na alam ang mangyayari matapos mo tong ginawa katulad ng panggagahasa, sinaktan mo muna bago mo ito makuha at kung ikaw ay masaya na dahil nakuha mo na ang iyong kagustuhan, doon kana matataranta na para kang baliw at wala ka ng ibang magawa kung hindi patayin na lamang ito upang walang makakaalam at makakatakas ka ng malaya. Ngunit alam nating hindi nagwawagi ang kasamaan dahil ang sabi ng iba ay "walang sikretong hindi nabubunyag". Ang nakakapagtulong lang na malutas at makuha ang hustisya sa karumadumal na pangyayare ay ang tulong ng ating Panginoon na siyang gabay ng mag pulisya upang magbigay daan at ideya sa kung ano man ang kailangan na makuha upang mahuli ang baliw at walang konsensya na suspek. Sa kasong ito ay magbibigay ng leksyon sa mga pabayang magulang dahil minsan may mga magulang na walang pakialam sa kanilang anak at kung may mangyayari doon na sila magsisisi. Mga magulang ay dapat responsable sa kanilang mga anak lalong lalo nat kung itoy bata pa dahil wala itong kalaban laban kung ito man ang magiging biktima. Upang hindi tayo magsisi sa huli kailangan ng mga kabataan ang proteksyin ng isang mapag-alagang magulang. Sa mga gumagawa ng kasamaan ay ipagdasal natin upang sa ganon ang Diyos na ang gumawa ng paraan upang sila'y mapagbago at maging mabuti sa huli.


4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol sa karapatang pantao.

"PANGHAWAKAN ANG ATING MAHALAGANG KARAPATAN"

Ang buhay ng isang tao ay higit na mahalaga
Hindi nasusuklian ng kahit gaanong kalaking pera
Isang regalo ng Panginoon na hindi gugustuhing mawala
Lalo na kung ang dahilan ay para bang walang kwenta,

Ang lahat ng taong naninirahan dito sa mundo
Ay dapat pantay pantay at walang gulo
Ang mga nasa itaas ay nagbubulagbulagan
na ang tanging minimithi ay kaguluhan,

Panginoon natin ay ating masasandalan
Hindi nakakalimot magpakailanman
Magdasal tayo at wag mawalan ng pag-asa
Gagabayan niya tayo san man magpunta,

                            Ang ating karapatan ay pahalagahan                     Nang upang sa ganon lahat tayo'y magkaintindihan                          Hindi natin hahayaang tayo'y matapakan
Dahil karapatan nating lumaban.


5. Mapapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan?

-Mapapahalagahan ang dinamikong ugnayaan ng panlipunang realidad at ng panitikan sa pamamagitan ng mga kabataan na kailangang mamulat sa henerasyon natin ngayon. Naway mayroon silang kaalaman sa ugnayan ng panitikan noong unang panahon at hanggang sa ngayong realidad natin. Kailangan ng mga kabataan ang may matitinong pag-iisip at may pagpapahalaga sa mga bagay na dapat alagan at alalahanin dahil sa panahon ngayin maraming bulag na kabataan ang walang pakialam sa panitikan noon kaysa ngayon. Nararapat na alalahanin natin ito dahil konektado parin ito sa ating makabagong henerasyon at dito tayo galing sa dinamikong panitikan at iugnay natin ito sa makabagong panitikan dahil makakadagdag ito ng kaalaman sa ating buhay at napagandang matutuhan ito.

Comments

Popular posts from this blog

"ISKWATER"

BABAE KA BY ANI MONTANO