"ISANG DIPANG LANGIT"
NECHOLLE PACON DULDULAO
BSCRIM 2D
ISANG DIPANG LANGIT
NI ALMADO V. HERNANDEZ
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara.
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
sa bitayang moog, may naghihingalo.
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
at batis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko.
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya!
1. Basahin atbsuriin ang mensahe ng tulang "Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernardez
*Suriin kung anong uri ng tula? Anong teroryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
Ang tulang "Isang Dipang Langit" ay masasabing isang tulang sanaysay na nag teoryang pampanitikan na ginamit sa pagsusuri ay ang teoryang Sosyolohikal. Ang tulang taglay nito ay kalungkutan dahil nadarama sa bawat salita ng tula ang dinaranas ng manunulat ang kanyang pagkabilanggo sa kulungan na kahit siya ay walang sala, nahihirapan ito at puno ng poot o galit at ang kanyang hinahangad ay ang hangaring makalaya. Inilarawan rin itong tula ng pag-asa dahil ano mang paghihirap na madadanas mo/natin ay itatak natin sa ating sarili na huwag susuko sa mga problemang hinaaharap o haharapin dahil sa tuwing nabubuhay pa tayo ay nabubuhay din ang pag-asa na dadating sa huli at ito ang tagumpay.
*Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bigyan kung bakit mo ito napili.
Napili ko ito bagkus napakaganda ng sinasabi rito at pinapahiwatig na dapat tayo ay may matatag na loob dahil kinakailangan natin ito sa ating buhay laong lalo na ang mga taong may mga negatibong kalooban at kaisipan. May mga pangyayari na hindi natin mamamalayan na darating sa ating buhay kaya't hindi natin nawa alisin sa ating kalooban na kahit ano mang pagsubok ang darating sa ating buhay ay kailangan natin maging matatag at lakasan ang loob at alam nating may awa ang Diyos na hindi niya tayong kinakalimutang bigyan ng pag-asa sa anumang problema na ating kakaharapin. Pinapahiwatig din rito na kahit nasa kalagitnaan ka ng problema ay hindi tayo matakot bagkus nanjan ang pag-asa sa ating buhay at habang tayo ay nabubuhay tayo ay humingi palagi ng lakas at pag-asa sa nakakataas.
2. Ipakilala ninyo sa akin si Amado V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-13 ng septyembre. Sikat na peryodista, nobelista, mandudula at manunulat ng mga manggagawa at itinanghal siyang orden ng mga pambansang alagad ng sining sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Sa kanyang mga tula masasalamin ng lahat ang marubdob na pagmamahal sa mga duhkang mangagawa.
3. Ang maikling kwento ay halaw sa "Isang Dipang Langit"
Noong unang pahanon may isang lalaki na ikinulong nang walang sala. Tinanggap na lamang ito ng labag sa kalooban dahil wala naman siyang kapangyarihan upang labanan ito. Labis ang pighati at kalungkutan na nadarama ng lalaking ito at mukhang hayop tratuhin sa loob ng bilangguan ngunit hindi niya pinairal ang kanyang takot sa mangyayari dahil alam niyang habang siya ay nabubuhay, siya ay may pag-asa at alam niyang nariyan ang Diyos na maggagabay sa kanya habang buhay pa siya. Hinahangad at pinagdarasal ang kalayaan upang makamit ang tagumpay na magbibigay ng kapayapaan sa kanyang buhay.
Comments
Post a Comment