Posts

Showing posts from November, 2021

NECHOLLE PACON DULDULAO BSCRIM 2D

 NECHOLLE PACON DULDULAO   BSCRIM 2D Ang Pagkabakla Ay Pagkabayubay Rin sa Krus ng Kalbaryo Ang pagiging bakla ay habambuhay Na pagkabayubay sa krus ng kalbaryo. Papasanin mo ang krus sa iyong balikat Habang ngalalakad sa kung saan- saang lansangan. Di laging sementado o aspaltado ang daan, Madalas ay mabato, maputik o masukal. Mapalad kung walang magpupukol ng bato o Mangangahas na bumulalas ng pangungutya. Kailangang tiisin ang matatalas na sulyap O bulung- bulungan at matutunog na halakhak. Di kaialangang lumingon pa, di sila dapat kilalanin Sapagkat sila'y iba't ibang mukha: bata, matanda Lalaki, babae, ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap,  kilala o di kilala. Sinong pipigil sa kanila? hindi ikaw Anong lakas meron ka upang tumutol? Makapaghihimagsik ka pa ba kung ang iyong palad At ang iyong paa'y ipinako na ng lipunan Sa likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwalang Nagdidiktang ang pagiging bakla ay isang kasalanan Na nararapat na pagdusahan sa kr...

BABAE KA BY ANI MONTANO

Image
NECHOLLE PACON DULDULAO  BSCRIM-2D   BABAE KA (Babae Para sa Kaunlaran) NI ANI MONTANO PAGATATAYA 1. Paano inilarawan ang babae sa awit? Inilalarawan ko ang babae sa awit bilang isang matapang at magiting na tao dahil pinapakita niya kalakasan ng loob at hindi lamang kagandahan ang naipapakita niya sa mundo. Pinatunayan dito na kahit babae ka ay may karapatan ka dito sa mundo, karapatang ipaglaban ang tama bilang isang babae. kailangan nating lumaban na mga babae dahil tayo ang kawawa sa huli dahil alam natin na ang mga lalaki ay kaya tayong saktan at abusuhin. At ang huling pinakamagandang mailalarawan ko sa ait na ito ay kahit mahina tayo sa ating lakas, malaki naman ang biyayang handog ay kaisipan. Lahat tayong babae sa mundo'y may ganap na tungkulin sa sarili natin kung tayo'y tinapaktapakan at inabuso, kumaban tayo dahil pareho lamang tayong tao dito sa mundo at lahat tayo ay may karapatang itama ang mali ng iba upang makamit ang kalayaan na hinahangad. 2. Sang-ayon ka ba...